"Konting Push pa".. yan ang madalas marinig ko sa mga classmate ko ngayon. Grabe malapit na matapos ang 1st Sem namin sa 3rd year, ang bilis ng araw super. Hmm…actually hindi lang ako makatulog ngayong gabi kaya uubusin ko na lng oras ko sa pag kwento dito. Anyhow sabi ko nga kanina napaka-bilis ng araw, hindi ko talaga akalain na matatapos ko lahat ng mga gawain sa school lalo na yung mga slides sa BioTech at yung Herbarium (late ko na nga sya napasa eh). Salamat sa Panginoon kasi alam ko na kasama ko s’ya habang ginagawa ang mga bagay na yun. Tapos na din yung grade namin sa Rizal, naka-post na nga sa SIS eh. Ayun ok naman yung grade ko. I do hope na kagaya din yun ng Physics at Economics ko.


 Speaking of Physics hindi pa din ako nkakapag mid-term (PANIS!) haha, nakausap ko naman na yung prof ko kaya lang hanggang ngayon di ko alam kelan nya ko bibigyan, bahala na…pero sigurado na isa ako sa papasok sa Thursday para mag-take ng Final Exam-Removal Exam n’ya. Kakayanin sir! :)


Nako tama na nga ang school stuffs, parang concern na concern naman akom hindi bagay..ang tamad ko kaya HAHA!. Hmmm.. ayun tama iba na lang kwento ko..


Youth Alive Ministry-Youth Revival Night (Jesus is the Perfect Sacrifice; Hebrews 10:14)


Ayan yung 1st year Anniv. Celebration ng Ministry ko sa church. Nakakatuwa isipin na 1 year na s’ya, nakaka-blessed din kasi sobrang hirap mag-maintain ng Ministry. Binibigay ko syempre yung credit kay Kuya Christian at John Marc, na talgang Hands-on dito sa MInistry na ‘to (kasi madami talga gingawa sa school, kahit di ko naman ginagawa lahat #lol) . Sabi nga nila na nagawa namin ‘to sa biyaya ng Panginoon. Alam n’yo ba na “Youth Conference” talaga ang gagawin, it just so happen na kulang na talaga ng time para mag-prepare at isa pa 35,000php~ ang budget para sa ganun. Pero kahit na ganun, yung will pa din ng Panginoon ang dapat masunod. Siguro sabi ni Lord “hindi muna ganyan kalaking event”. Ang mapagkakatiwalaan daw sa maliit ay mapagkakatiwalaan sa malaki.AMEN!  Kung titingnan successful pa naman ang event, kahit 5pm na ako dumating(GRABE TALAGA! AKALA KO LATE NA AKO) nag exam pa kasi sa MicroBio.Salamat sa lahat ng pumunta, nakisaya at nakipag-fellowship sa’min. GOD Bless guys. Hanggang sa susunod na event… TO GOD BE THE GLORY!



Let-GO!!!


HAHA, ayun natatawa ako kasi naalala ko na medyo nakakapag move-on na ako kay “ANO”. Pinagpi-pray ko talaga na mangyari ‘to, kasi nga MALI. Kaya lang mahirap kasi parang hindi lang pwedeng friends eh (YUCK :P) pero ganun pa man alam ko na may better plan si Lord para sa’kin. May tamang tao na dapat mag-appreciate,mag-care sa kung ano ako at ginagawa ko. Oh di ba, ang drama?! BTW..Weird din kasi medyo may “ilang” factor na unlike dati na kapag kausap ko eh NANLALAKI ang mga mata ko (parang ganito O.O) at tinalo ko pa si Joker sa patagalan ng Smile sa mukha. Ngayon wala nang something special YES! at last. As much as possible ayoko na muna maging emotionally inclined kahit kanino, mahirap na. Nakaka-stress. Madami pa kong importanteng bagay na dapt i-priorotize…Pero palagi ko talaga naiisip na “What if” may palaging nag a-upadate ng ginagawa mo, basta all forms of care. Naiisip ko nga minsan kung kulang ba ko sa Care, na I think hindi naman.  Jusko sabi nga ng Mama ko ako lang ang 19 y/o na gingigsing pa para pumasok, hindi marunong maglaba at magluto (s’ya kasi gumgawa nun lahat sa’kin)  atbp. kaya kung care ang pag-uusapan sobra sobra ako n’yan. Pero bakit ganun yung una kong nakikita sa tao, kung gano s’ya ka appreciative sa’kin. HAHA I would admit emotionally weak talaga ako. Hayyy andyan si Lord na kaya ako alagaan forever.


Nga pala, last week sobrang nagseselos talaga ako sa isang tao (a.k.a Letter X), kasi parang na-agawan ko nang attention dun sa isa(a.k.a Letter Y). eh medyo close na kami ni “Y” kaya ayun. Naiinis ako, to the point na bigla na lang ako tatahimik pag magkausap sila at nasa harap ako.Korni lang di ba?! Pero seriously, akala ko nga yung si “Y” na yung papalit kay “ANO” eh, pero gaya nga ng sabi ko ayoko muna maging inclined kahit kanino. Ayun ngayon wala na, kasi wala si “X” ngayon. Pag-balik nya let’s see. ROFFL pero sa ngayon wala na, at WALA NA (CLAIM IT). :P


Ang kantang tumtugtog na ngayon ay “It will Rain” ni Bruno Mars……uulan kaya bukas?! LAH? KONEK? Hmm…ito pa pala..


Dream Concert Ph!!!


Sa wakas, magpeperform na din ang SNSD sa Pinas. Kaya lang hindi solo concert. Ganun pa man OK LANG! at least may chance na makita ko sila o live na marinig mag perform. Ayun ang VIP ticket ay 11,000php at ang Bronze ay 1,000 ang mahal naman. HAHA, hindi talaga ako yung tao na gagastos para ma entertaine o manuod lalo’t ganyan ka-mahal. PERO SNSD yan eh, target ko kahit sa 3,000php lang makanuod ako. Makatarunagn na siguro yun. Kaya lang andami ko na mabibili dun sa 3k, parang sayang BAHALA NA! Januray 2013. Sana may magbigay ng pambili..XDDDD


Sa saturday din pala start na ng 2nd Sem ko sa seminaryo, dalawa na lng kami ni John Marc papasok na taga-JCMCC. HAHA GOD Bless sa’min. Kitakits classmates.



Hayy.tinatamad na ako mag-type..madami na din ako nasabi, as if naman may magbabasa nito XD ang pessimistic ko ba?! DUH online diary ko lang ang tumbr, kung may magbasa man eh di mas OK. kung wala ok lng din :DD Patapos na Sem, Letting Go,Dream Concert, konting Push magagawa at dadating din tayo sa mga bagay na yan..HAHA! with God on my side PUSH!!!!!



Goodnight! :D